Nagiimpok ka ba para sa iyo pagreretiro? Ano sa tingin mo ang iyong kalalagyan sa iyong pagtanda?
Sa tagal ko na sa Saudi Arabia (12 years na), marami na akong nakitang mga Pilipino na umuuwi dahil sa silay matanda na. Ang tanong napaghandaan ba nila ang kanilang pagtanda? (Ang karamihan hindi) Ang masakit pa dito todo todo ang padala nila sa kanilang mga mahal sa buhay at sila naman ay naghihirap dito sa Saudi Arabia. Minsan nga ay natitirahan na lang sila ng 50 Riyals pang gastos sa buong isang buwan. Kumakain ng Kaboos (tinapay) at tubig. Sa kadahilanang wala ng pambili sapagkat kailangan ng pamilya sa Pilipinas. Minsan ang kinakain na lang ay itlog at Kaboos pa rin.
Hanggang kailan ang mga Pilipinog OFW sa ibang bansa maghihirap para sa kanila pamilya sa Pilipinas? Nawa ay maunawan ng mga pamilya sa PIlipinas na di madaling humanap ng pananalapi sa Saudi Arabia.
Kaya napapanahon na tayong mga OFW ay mag-isip isip na sa ating kinabukasan. Tinuturaan tayo ng Bibliya na magimpok para sa ating kinabukas kagaya ng langgam.
Proverbs 30:25
The ants are a people not strong, yet they prepare their meat in the summer;
Mahalagang mapaghandaan natin ang ating retirement age. Mahalagang sa pagtanda natin ay hindi na tayo aasa pa sa ating mga anak para sa ating pambili ng ating mga pangangailangan. Mahalagang di na natin sila hihingan sapagkat sa panahoing iyon ay maaring mayroon na rin silang kani kanilang mga pamilya.
Mas maganda siguro pagsapit natin ng ika 60 taon sa a tin kaarawan tayo ang magbigay sa atin mga apo na magagandang laruan sapagkat meron tayong sapat na kakayahan sa ating agtanda.
Magagawa lang natin ito kung ating pagaaralan ang ating dapat na maging investment para sa ating pagtanda. (Pagreretiro)
Nararapat lang na huwag naman nating ipadala lahat ang ating kinikita at tayo’y magtabi para sa ating investment. Ang pamilya rin natin ang makikinabang kung ilalagay mo sa tama ang mga investment mo.
Maaring makatulong ang IMG sa iyo, sapagkat ang IMG ay nagtuturo ng mga pamamaraan ng pagiinvest. Mayroong ding mga pamamaraan para paghandaan mo ang gastusin sa iyong health pag tanda at marami pang iba.